P1.2 milyon na interbensiyon, ipinamahagi sa Occidental Mindoro

Batangas City – Namahagi ng mahigit 1.2 milyong halaga ng mga interbensyon ang Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program Phase 2 sa bayan ng Looc, Occidental Mindoro.

Limang samahan naman mula sa nasabing bayan ang nakatanggap ng tulong

Ipinagkaloob sa mga magsasaka ng Ambil ang 25 rolyo ng poultry net at 12 pirasong plastic drums, habang ang samahan mula sa Balikyas ay nakatanggap ng 200 kilo ng mani at isang dosenang plastic drums.

Ito ay bilang pag suporta umano sa Free-range chicken production project at corn production project.

Kasabay nito ay nakatanggap rin ng mga interbensyon ang Talaotao Farmers Association at Samahan ng Magsasaka ng Bulacan.

Kaugnay nito, sisimulan na rin ang Ready-to-Lay Chicken (egg) Production Project sa pangunguna ng mga magsasaka ng Kanluran, kalakip ang 227 RTL na manok, 14 set ng RTL cages, 300 piraso ng egg tray, at 500 piraso ng mga pananim na kasoy.