NSC, wi-nelcome ang sentimyento ng publiko hinggil sa WPS

Wi-nelcome ni National Security Adviser Secretary Eduardo Año ang sintemyento ng publiko kaugnay ng aksyon ng pamahalaan sa West Philippine Sea.

Ang pahayag ni Año ay kasunod ng lumabas na resulta ng Tugon ng Masa 4th quarter survey ng OCTA Research, kung saan 72 percent ng 1,200 respondent ang naniniwala na dapat igiit ng Administrasyong Marcos ang naval patrols at presensiya ng sundalo para tugunan ang isyu sa WPS.

Sabi ng kalihim, maingat na susuriin ng gobyerno at pakikinggan aniya ng pamahalaan ang sentimyento ng publiko upang makabuo ng komprehensibong stratehiya sa WPS na naayon sa interes ng lahat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *