LTO-NCR, nakapagtala ng 32,000 delinquent vehicle owners ngayong taon

Inanunsyo ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) na nakapagtala ito ng mahigit 32,000 delinquent vehicle owners sa unang 23 araw ng taon.

Ayon kay LTO-NCR Regional Director Roque Verzosa III, 11,745 motor vehicles na may delinquent government registration accounts ang nairehistro na sa ahensya mula January 1 hanggang 23 ngayong taon.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Sa parehong panahon, 20,625 na mga delingkwenteng motorsiklo ang nakarehistro na rin.

Dagdag pa ni Verzosa, malinaw na resulta ito ng mas pinaigting na mga operasyon sa pagpapatupad ng batas na isinagawa ng mga tauhan mula sa regional at district law enforcement ng ahensya.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Habang mahigit 32,000 units ang nakarehistro na sa rehiyon, ito ay bahagi lamang ng 4.1 milyon na delinquent vehicle sa NCR.

Kung matatandaan, Nobyembre noong nakaraang taon nang ibunyag ng ahensya na 24.7 milyong sasakyan, o higit sa kalahati ng mga sasakyan sa bansa, ay na-classified bilang delinquent.