NSC, pinabulaanan ang ‘red-tagging’ sa ipinamigay na seminar pamphlets sa Rizal

Nilinaw ng ng National Security Council (NSC) na walang “red-tagging” content ang mga pamplet na ipinamahagi sa isang seminar sa Taytay Senior High School sa Rizal.

Pinabulaanan ng NSC ang mga alegasyon ng Kabataan at ACT partylist na inilalarawan ng mga pamphelts ang mga estudyante at raliyista bilang mga terorista sa pagsalungat sa ilang patakaran ng gobyerno.

Read More:  Construction begins on rental housing for families affected by NSCR Extension Project

Ipinapaalam aniya lamang nito sa mga estudyante ang modus ng mga recruiter ng New People’s Army (NPA) na makatotohanan at batay sa ebidensya.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Para sa NSC, ang seminar ay naglalayong ipaalam sa mga estudyante ng Rizal ang mga indicators o “red flags” na kinukuha sila ng mga organisador ng communist rebel group, na naaayon sa Rizal Provincial Resolution No. 03, series of 2023.