NSC, iginiit na hindi paghahanda sa giyera ang Balikatan Exercise

Nanindigan ang National Security Council (NSC) na hindi paghahanda sa giyera ang Balikatan Exercise ngayong taon.

Ito ay kasunod ng mga pangamba at pambabatikos ng ilan hingil sa sabayang pagsasanay sa pagitan ng US at Pilipinas.

Ayon sa NSC, ‘war is off the table.’

Binigyang-diin din ni NSC Asst. Director General Jonathan Malaya, walang intensyon ang bansa na pumasok sa giyera.

Mariing sinabi nito na pagpapalakas sa interoperability ng parehong bansa ang target ng Balikatan Exercise.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *