Pinalawak pa ng PRO5 ang National Police Clearance System (NPCS) para sa streamlined at accessible na serbisyo.
Sa lalawigan ng Sorsogon ay mayroon nang 9 na Municipal Police Station na magpapatupad ng NPCS.
Kabilang sa idinagdag ay ang Casiguran MPS, Castilla MPS, Donsol MPS, Irosin MPS at Matnog MPS.
Una nang nagpatupad noong buwan ng Mayo ang mga himpilan ng Sorsogon City Police, Bulan MPS, Gubat MPS at Pilar MPS.
Ang pagtatatag ng National Police Clearance System (NPCS) ay naglalayong pasimplehin at pagsama-samahin ang proseso ng pagkuha ng police clearance certificates, upang maging mas madaling makuha ng mga aplikante.
Ang sentralisadong prosesong ito ay nagbibigay-daan sa mga nagparehistro na ma-access at i-renew ang kanilang mga clearance sa alinmang istasyon ng pulis na pinapagana ng NPCS.
Bukod pa rito, tinutulungan ng NPCS ang Philippine National Police sa pag-verify ng mga rekord ng mga indibidwal at pagtukoy ng anumang pagkakasangkot sa mga kriminal na aktibidad.
Sa kasalukuyan, ang mga MPS na hindi pa kasama sa NPCS ay pinagbabawalan muna na magbigay ng police clearance subalit kinakailangan nilang gumabay sa mga gustong kumuha ng national police clearance sa pamamagitan ng online.
