Anim na menor de edad nasagip ng mga awtoridad sa 2 suspek matapos umanong dukutin sa Pasig City

Nasagip ng mga tauhan ng Pasig City Police Station ang 6 na menor de edad sa 2 suspek matapos umanong dukutin sa Westbank Road, Barangay Rosario sa nabanggit na lungsod.

Kinilala ng National Capital Region Police Office ang mga suspek na sina Melvin Labuan, at Ricardo Obenieta Jr., isang taxi driver, parehong residente ng Pasig City.

Ayon sa NCRPO, naalarma ang kanilang mga tauhan nang mapansin ang kahina-hinalang reaksyon ng mga batang sakay ng taxi, habang nagsasagawa ng checkpoint kaya pinara ang mga ito nitong Biyernes ng gabi.

Ayon sa imbestigasyon,nag-ayang uminom ng milk tea ang suspek na si Labuan sa isang babae.

Nang marinig ito ng mga bata, sumama sila at sumakay sa taxi na minamaneho ni Obenieta.

Nang tanungin ang mga bata, sinabing kilala lamang nila ang suspek na si Labuan at hidi ang driver. Hindi rin daw alam ng kanilang magulang ang kanilang kinaroroonan.

Kasong paglabag sa R.A 7610 o Anti-Child Abuse Law ang kahaharapin ng mga suspek.