NPA supporter, arestado matapos na masamsaman ng baril

SORSOGON CITY – Arestado ang isang 53-anyos na umano’y NPA supporter matapos na masamsaman ng baril sa bayan ng Bulusan, Sorsogon.

Nagsanib puwersa ang Bulusan Police, Intel Unit ng Sorsogon Police Provincial Office at COLT ng 31st IB upang isilbi ang Search Warrant na inilabas ng RTC Br 55 sa bahay ng suspek para sa paglabag sa RA 10591 o illegal possession of firearm and ammunition.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Dinakip sa mismong bahay niya si Arnulfo Borsigue Puro, umano’y revolutionary tax collector din ng nasabing hukbo at miyembro ng Samahan ng Magsasaka sa Sorsogon o SAMASOR at naninirahan sa Brgy San Bernardo ng nasabing bayan.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Nakuha sa bahay nito ang isang kalibre .38 na revolver na kargado ng 6 na bala.

Ang suspek at ang nakuhang baril ay nasa pangangalaga ng Bulusan Police Station para sa kaukulang dokumentasyon at tamang disposisyon.