NPA, patay sa engkwentro sa Bulan, Sorsogon

SORSOGON CITY – Hindi na nakarating sa ospital ng buhay ang isang kasapi ng New People’s Army (NPA) na unang napaulat na sugatan sa naganap na engkwentro ng  joint operations ng Phil Army at PNP sa Brgy San Juan Daan sa bayan ng Bulan, Sorsogon.

Sa ulat mula sa 22nd Infantry Battalion, limang minuto tumagal ang pakikipagbakbakan ng tropa ng gobyerno laban sa mga rebelde na mahigit-kumulang 14 ang bilang.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan sa nasawing NPA habang wala namang nasawi sa panig ng tropa ng pamahalaan.

Narekober sa encounter site ang isang M14 rifle at mga anti-personnel mine (APM).

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nabatid na ang grupo ng NPA na nakasagupa ng tropa ng pamahalaan alas 3:40 kaninang umaga ay kabilang sa Sangay De Grabidad (SDG), Larangan 2, Komite Probinsyal 3 na pinamumunuan ng isang alias Cennon/Tikong.

Sa ngayon, nananatiling naka-alerto ang hanay ng Army at Police units sa lalawigan ng Sorsogon.