NPA na Rank No. 10 regional most wanted person arestado sa Casiguran, Sorsogon

SORSOGON CITY – Sa pinaigting na ‘Operation Manhunt Charlie’ ng mga awtoridad, naaresto ang isang rebelde at itinuturing na No. 10 regional most wanted person, hapon noong Biyernes sa Brgy San Pascual, Casiguran, Sorsogon.

Kinilala ang akusado na si Ruel Habitan Escolano, 59-anyos, may kinakasama, magsasaka at naninirahan sa nabanggit na barangay. Kasapi umano ito ng Larangan 1, Komite Probinsyal 3.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng arrest order sa magkapatong na kaso na ibinaba ng RTC Br 51 sa kasong rape na walang itinakdang piyansa at  ng RTC Br 52 sa kasong frustrated murder na may kaukulang piyansa na aabot sa P20, 000.00.

Ang kasong panghahalay ni Escolano ay nag-ugat noong taong 2013 habang ang bigong pagpatay ay noong 1996 pa.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng 504th Maneuver Company ng Regional Mobile Force Batallion 5 bilang lead unit, Sorsogon 1st Provincial Mobile Force Company, ibat-ibang intelligence unit ng Phil. Army at ng Casiguran Police.

PHOTO exclusive for Brigada News FM-Sorsogon