Inihayag ng Department of Health (DOH) na patuloy parin ang pagtaas sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, sa kabila na ang capital region ay isinailalim sa strictest lockdown sa loob ng dalawang linggo.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, batay sa projections ng ahensya, tataas pa ang infections sa mga susunod na araw, kaya dapat paghandaan ng publiko sa active infections.
Dagdag ni Vergeire, ang active infections ay tutukoy kung papaanu maaccommodate ng gobyerno at health facilities ang virus patients.
Aminado naman ang health official na ang 2-week enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila at iba pang probinsya ay maliit lang ang epekto para mapabagal ang pagkalat ng virus.
Batay sa pagtaya ng DOH, ang Metro Manila ay maaring magtala ng 66,000 na mga bagong kaso sa katapusan ng Agusto sa ilalim ng modified ECQ period, habang ang active infections sa rehiyon ay maaring pumalo sa 269,000 sa katapusan ng Setyembre, sakaling manatili sa MECQ hanggang sa susunod na buwan. // MHEL PACIA-TRINIDAD
