NPA inako ang pagpatay sa Police Staff Sergeant sa Daraga, Albay

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Pulang Hukbo ng SBC-BHB-Albay na inamin na nila ang pagpatay sa isang Police Staff Sgt. Allan Madellar noong Setyembre 25 sa Barangay Peñafrancia, Daraga Albay.

Ayon sa Hukbo, matagumpay ang isinagawang operasyong ng nasabing grupo laban kay Pssgt Madellar dahil sa aktibo ito sa pagdodoktor ng mga ebidensya at nangunguna sa pagsasampa ng gawa-gawang kaso laban sa kanilang mga target upang bigyang matuwid ang kanilang iligal na pang-aaresto’t pamamaslang kapalit ng makokolektang reward sa bawat mahuhuli o mapapaslang ng mga ito.

Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school

Masigasig din si Sgt. Madellar sa paglalatag ng mga asset sa paniktik laban sa rebolusyonaryong kilusan sa mga bayan ng Daraga at Guinobatan. Ang operasyong pamamarusa ay isinagawa sa gitna ng pagdalo nito sa isang pagtitipon sa Brgy. Peñafrancia bilang bahagi ng kanyang trabaho sa pagiging intelligence officer. Binigyan diin nito ang operasyong ay isang hakbang sa mahaba ngunit tiyak na makakamit ang rebolusyonaryong hustisya para mga biktima ng Synchronized Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa probinsya na nagpipiit at pumapaslang sa mga aktibistang lumalaban para sa karapatan, katarungan at kalayaan.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Siya ay nakatalagang intelligence at warrant officer ng Guinobatan Municipal Police Station.