NPA Commander, ideneklarang persona non grata sa MT. Province

Ideneklarang Persona Non Grata ng mga residente ng Dalican, Bontoc, Mt. Province ang isang komander ng teroristang NPA na si Simon Naogsan.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan mula sa 5th Infantry Division ng Philippine Army, isang barangay resolution ang ipinasa na naghahayag na hindi na pinapayagan ang teroristang grupo at si Naogsan sa nasabing barangay dahil sa umano’y ginagawa nilang pananakot at panggugulo sa mga residente.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Anila, sinusubukan ng rebeldeng pangkat na palitan ng komunismo at rebolusyonaryong gobyerno ang uri ng pamamahala sa kanilang lugar.

Mariin itong tinututulan ng mga residente sa halip ay nais nilang matamasa ang mapayapa at masaganang pamumuhay na malayo sa impluwensya ng CPP-NPA.

Kaugnay nito, Ikinalugod naman ni MGen Laurence Mina, Commander ng 5th Infantry Division ang naging hakbang ng mga residente sa Brgy. Dalican.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Aniya, ang pagdedeklara ng persona non-grata laban sa CPP-NPA ay para sa kinabukasan ng lahat lalo na ng mga kabataan sa nasabing lugar.

Tiniyak naman ng heneral na gagampanan ng hanay ng kasundaluhan ang kanilang mandato upang siguruhin ang seguridad at kaligtasan ng bawat indibidwal laban sa banta ng insurhensiya.