DA-BFAR RO2, tiniyak sa ZSL na ipagpapatuloy ang eel conservation project

Tiniyak ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 2 sa pamunuan ng Zoological Society of London (ZSL) na magpapatuloy ang pagpapatupad ng ahensiya ng proyekto na nakatuon sa pagprotekta sa Eel fisheries.

Inihayag ni DA- BFAR 2 OIC Dr. Angel Encarnacion sa pamunuan ng ZSL na kinikilala ng ahensiya ang mga nagawang proyekto at suporta ng organisasyon upang mapaunlad ang Eel fisheries industry bilang promising aquatic commodity. 

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Magugunita na nagkaroon ng kolaborasyon ang dalawang ahensya noong 2014 katuwang ang ilang Local Government Units sa rehiyon at DENR Region 2.

Ipinunto naman ni ZSL Northern Luzon Project Technical Lead Alejandro Belen ang mga aktibidad na natapos sa ilalim ng naturang proyekto na kinabibilangan ng baseline data sa pagtukoy ng habitat ng igat, Eel Management Plan at 12 fish sanctuaries sa probinsya ng Cagayan, Isabela at Quirino.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Ipinaliwanag din ang konsepto ng financial management sa pamamagitan ng Community Managed Savings and Credit Association (CoMSCA) sa pangalawang proyektong “Karayan ket Biag “(River is Life).  

Samantala, sinabi naman ni National Eel Focal Person Dr. Evelyn Ame ang nabuong baseline data ng ZSL ay gagamitin bilang batayan sa pagbuo ng patakaran o interbensyon para sa Eel Fisheries Development Program ng BFAR Region 2.