Nov. 4, 2024 idineklarang ‘National day of Mourning’ sa mga biktima ng Bagyong Kristine

Nag-iwan ang bagyong Kristine ng malawakang pinsala at marami ring buhay ang nawala sa pananalasa nito mula October 21-25, kaya idineklara ng Palasyo ng Malacañang ang November 04, 2024 bilang National Day of Mourning para sa mga biktima ng naturang bagyo.

Sa bisa ito ng Proclamation number 728 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin na may petsang October 30.

Read More:  Acidre urges Senate to prioritize impeachment over flood control hearings

Nakasaad sa naturang proklamasyon na batay sa report ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, as of October 30, umakyat na sa 139 ang bilang ng mga nasawi at higit isang milyong pamilya o higit pitong milyong indibidwal ang naapektuhan.

Liban pa ang iniwan nitong pinsala sa sector ng agrikultura, infrastructure at mga ari-arian.

Read More:  OCTA Survey: Majority of Filipinos Support Impeachment Trial of VP Sara Duterte

Kaya bilang pakikiisa sa mga naulilang pamilya at mahal sa buhay ng mga nasawi, hinihiling ng Palasyo sa publiko na mag-alay ng panalangin para sa mga biktima.

Alinsunod naman sa Flag Heraldic code of the Philippines, ipinag utos na i-half-mast ang bandila ng Pilipinas sa lahat ng mga gusali at installations ng pamahalaan sa buong bansa sa naturang petsa.