Paggunita ng undas sa Manila South Cemetery, nanatiling mapayapa

Nananatiling mapayapa ang paggunita ng Undas ngayong taon sa Manila South Cemetery.

Ayon sa pamunuan, sa nakalipas na mga araw ng pagbisita, wala pa silang naitatalang untoward incidents.

Maayos na sumusunod sa alituntunin ng sementeryo ang mga bumibisita ngunit may mangilan-ngilan na sumusuway gaya ng mga nagdadala ng mga ipinagbabawal na bagay sa loob ng sementeryo.

Read More:  Palace urges Bato dela Rosa to surrender amid warning of potentially bloody arrest

Wala namang nakikitang banta ang PNP sa seguridad sa buong panahon ng Undas.

Samantala, umabot sa mahigit 400,000 ang nagtungo kahapon sa Manila South Cemetery para dalawin ang puntod ng mga yumaong mahal sa buhay.

Read More:  China urges DFA to act responsibly; President Marcos seeks clarification from ambassador

Sa ngayon ay patuloy ang pagdating ng mga kababayan nating nais bumisita sa puntod ng kanilang mga yumao sa MSC.

Tatagal ang pagbisita hanggang bukas, November 3.