Nanindigan ang Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) na hindi sila ang nanguna sa isang operasyon laban sa POGO hub sa Maynila kamakalawa.
Una na kasing kumalat ang mga balitang sinalakay ang itinuturing ‘di umano na ‘Mother of All POGO Hubs’ sa Maynila.
Bagamat natuloy naman ang raid ng mga kapulisan – lumabas sa ilang reports na kasama ang PAOCC dito, at ‘di umano’y nakalaya ang mga arestadong undocumented aliens dahil sa ilang mga problema gaya ng isyu sa kustodiya.
Sa isang pahayag – idiniin ng PAOCC na hindi sila kasama sa ‘flawed’ na operasyon.
Una sa lahat, hindi raw sila nagpapalaya ng mga na-rescue o nahuling foreign nationals dahil sapat ang nagiging koordinasyon nila sa DOJ – Inter-Agency Council Against Trafficking.