Northern Kabuntalan, magkakaroon na ng sariling fire station

Kapwa lumagda ang Lokal na Pamahalaan ng bayan ng Northern Kabuntalan at ng Bureau of Fire Protection sa isang Memorandum of Agreement para sa pagpapatayo ng isang fire station sa bayan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Sinabi ni Mayor Datu Umbra Dilangalen na itatayo ang nasabing fire station sa loob ng compound ng munisipyo na pinondohan ng abot sa sampung milyong piso.

Matagal na pangarap ng alkalde na magkaroon ng sariling fire station kaya naman nagpasalamat ito dahil bukod sa nasabing pasilidad ay nauna ng nagkaroon ng fire truck ang bayan matapos na dumalo sa isinagawang Fire Expo sa Maynila kamakailan.(Jom Dimapalao)

Read More:  NYLI pushes mental health-centered climate resilience through project OASIS