Kinansela ng North Korea ang kauna-unahang international commercial flight matapos ang tatlong taong tigil operation sa mga paliparan sa kanilang bansa.
Kwento ng ilang pasahero, last minute na bago mag anunsiyo na wala ng byahe papunta sa North Korea.
Ayon sa Beijing airport, hindi nagbigay ng paliwanag ang Air Koryo sa pagkansela nito ng mga byahe.
Sa ngayon sinusubukang kunan ng pahayag ng Beijing airport ang Air Koryo para hingan ng panayam sa mga naantalang byahe.
