Vaccination coverage sa Camarines Norte para sa mga batang edad 5- 11 anyos nasa 15 percent pa lang

CAMARINES NORTE- Umaabot pa lang sa 15 percent ang vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte para sa mga batang edad 5- 11 taong gulang.

Sa target na 68, 347 nasa 10, 897 pa lang ang nababakunahan simula nang magbakuna sa naturang age group sa lalawigan noong Marso nitong taon.

Dating mataas ang target na mabakunahan na nasa mahigit 97, 000 pero bumaba ito kasunod ng inilabas na Advisory No 2 ng Department of Health.

Read More:  Mother of four dies while queuing for P20 rice in Bukidnon

Batay ito sa datos ng Provincial Covid- 19 vaccination operation center hanggang nitong Lunes, Agosto 8.

Sa ngayon ang may pinakamalawak na vaccination coverage sa mga batang 5- 11 taong gulang ay ang Capalonga na nasa 40 percent.

Ang Capalonga ay nakapagbakuna na ng nasa 1, 529 sa target na 3, 775 sa naturang age group.

Sinusundan ito ng  San Vicente na mayroong 30. 0 percent kung saan nakapagbakuna  ito ng  365 sa target na 1, 217.

Read More:  Canlaon artisans adapt to calamities with limited materials, volcanic ash crafts

Pangatlo ang Talisay na mayroong nabakunahang 728 sa target na 3, 028 o 24. 0 percent.

Habang ang San Lorenzo Ruiz naman ay mayroong 23 percent makaarang makapagbakuna ng 387 sa target na 1, 647 at Mercedes na may 20 percent na nakapagbakuna naman ng  1, 190 mula sa target na 5, 956.

Pinakamababa ang vaccination coverage sa naturang age group sa Paracale na nasa 2. 3 percent pa lang makaraang makapagbakuna lamang ng 157 mula sa target na 6, 930.