NoKor leader Kim nagpasalamat kay outgoing SoKor President Moon Jae-in

Pinasalamatan ni North Korean leader Kim Jong Un si outgoing South Korean president Moon Jae-in dahil sa pagsisikap nitong mapabuti ang relasyon ng dalawang bansa.

Unang nagpadala ng sulat si Moon kung saan nangangako ito ng patuloy na pagsisikap para mailatag ang pundasyon ng unification base sa kanilang joint declarations na nabuo sa kanilang summit noong 2018.

Read More:  Meghan Markle’s father Thomas Markle, arrested over alleged child pornography possession

Sa kanilang pagpapalitan ng sulat, kapwa nangako ang dalawang leader na ang kanilang ugnayan ay mananatili habang kapwa nagsisikap nang may pag-asang makakabuo ng mas maganda pang samahan at kooperasyon

Read More:  BAYAN prepares a ‘hot’ welcome for Trump ahead of his expected Philippine visit

Binigyang diin ni Kim na pinupuri niya ang pagsisikap ni Moon para sa kapakanan ng kanyang bansa hanggang sa mga huling araw ng kanyang termino. (LEO NAVARRO – MALICDEM)