BNFM BICOL—Inihayag ni Rev. Msgr. Crispin Bernarte Jr – Vicar General for Administration ng Diocese of Legazpi na magkakaroon ng tatlong major activities ang naturang diyosesis bilang bahagi ng closing program kaugnay pa rin ng selebrasyon sa ika-500 anibersaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas.
Ayon kay Bernarte, una sa mga ito ang pagkakaroon ng ‘thanksgiving mass’ sa lahat ng mga parokyang sakop ng Diocese na tanda umano ng pasasalamat sa lahat ng mga biyayang natanggap sa loob ng 500 taon pamamayani ng Kristiyanismo sa bansa.
Pangalawa ang isasagawang pagbasbas o blessing sa landmark na magpapaalala sa 500 taong pananampalataya at pangatlo ang pagdaraos ng ‘concelebrated mass’ sa Cagsawa Park o Cagsawa Ruins sa bayan ng Daraga.
Kaugnay nito, hinihikayat ng pari ang publiko lalo na ang mga katoliko na makiisa sa mga isasagawang aktibidad dahil ito ay umano ay bahagi ng panawagan ng simbahan na ipagpatuloy ang pananampalataya ng bawat isa bilang isang Kristiyano.###