Active cases ng COVID-19 sa Bicol mas bumaba pa sa 7% na lamang

BICOL—Nasa 7.94% na lamang o katumbas ng 3,709 ang bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa Bicol region mula sa kabuuang 46,717 na kasong naitala mula nang maranasan ang pandemya.

21 ang bagong nadagdag kung saan pito nito ay mula sa Albay. Apat ang naitala sa Legazpi City at tig-iisa ang Camalig, Daraga at Manito.

Pito rin ang bagong kaso sa Sorsogon kung saan tatlo ang mula sa bayan ng Castilla at tig-iisa ang Barcelona, Juban, Magallanes at Sorsogon City.

Read More:  7 arrested in Cebu restobar theft case

Anim ang bagong kaso sa Catanduanes kung saan tatlo nito ay mula sa Virac, dalawa sa Gigmoto at isa sa Pandan.

Isang kaso naman ang naitala sa Camarines Sur na mula sa Naga City habang zero new case ang Camarines Norte at Masbate.

Samantala, mas tumaas pa ang bilang ng mga gumaling na ngayon ay pumapalo na sa 41,148 (88.08%) matapos madagdagan ng 157 na bagong recoveries.

Read More:  20 of 36 health facilities in Kabankalan face flood risk, data shows

83 nito ay mula sa Camarines Sur, 56 sa Albay, walo sa Catanduanes, pito sa Naga City, dalawa sa Camarines Norte at isa sa Sorsogon.

Tatlong bagong pagkasawi naman ang nadagdag na pawang mula sa Albay kung kaya sa kabuuan ay umaabot na sa 1,860 (3.98%) ang death toll ng sakit sa rehiyon.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng DOH Bicol sa mga Bicolano na sundin ang BIDA Solusyon plus sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.### |slm