“No Sailing Policy” ipinatupad na ng LGU Tinambac, kaugnay ng Bagyong Egay; mga resort owner, inabisuhan nang huwag na munang tumanggap ng mga turista

NAGA CITY – Nagpatupad na ng “No Sailing Policy” ang Lokal na Pamahalaan ng Tinambac, Camarines Sur, kaugnay ng binabantayang Bagyong Egay.

Ibig sabihin bawal nang pumalot o mangisda lalo na ang mga maliliit na mga bangka.

Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay Jomar Acayin, Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Responder.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Aniya, bagamat banayad pa ang tubig sa karagatang sakop ng bayan at hindi pa gaanong ramdam ang malalakas na buhos ng ulan, pag-iingat na rin kasi ito lalo na’t itinaas na sa Red Alert Status ang lalawigan at lahat ay pinapaghanda.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Maliban pa riyan, inabisuhan at pinadalhan na rin ang mga resort owner sa bayan ng kasulatan na huwag na munang tumanggap ng mga turista o bisita para sa kaligtasan na rin ng mga ito.

Ang mga bisita namang nasa resort na pinapatapos na lamang ang oras at pinagbabawalan na ring maligo sa dagat.