Tindero ng isda na humalay sa pamangkin naaresto ng Paracale Police

CAMARINES NORTE – Inaresto ng mga pulis ang isang tindero ng isda nitong Biyernes, July 21 sa bayan ng Paracale, Camarines Norte na akusado sa kasong pangagahasa sa kaniyang pamangkin ilang buwan na ang nakakalipas.

Ayon sa ulat ng Paracale Municipal Police Station ginawa ang pag aresto  kay alyas Gado 49, may kinakasama at residente sa nabanggit na bayan sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Presiding Judge Rene Morallo De la Cruz ng Family Court, Fifth Judicial Region, Branch 5 dito sa Daet.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dahil ito sa kasong rape at walang inirekomendang piyansa ang hukuman.

Nag- ugat ang kaso laban sa suspek matapos umano nitong halayin at molestiyahin ang 12 anyos na pamangkin na nangyari noong Enero ng taong kasalukuyan.

Nakakulong na ito ngayon sa Paracale Municipal Police Station para sa kaukulang disposisyon.

Ayon sa PNP, ang suspek ay ikalawa sa listahan ng Municipal Most Wanted Person sa naturang bayan.

Read More:  Ancestral domain application in Negros filed in 2005 wins NCIP approval

Nababahala naman ang PNP sa pagtaas ng mga kaso ng rape sa lalawigan ng Camarines Norte.

Dahil dito nagsagawa ng dalawang araw na Consultative meeting ang Camarines Norte Police Provincial Office sa pamamagitan ng Women and Children Protection Desk na ginanap noong Huwebes at Biyernes sa Camarines Norte Provincial Hospital Function Hall para pag- usapan ang hinggil sa bagay na ito. Dinaluhan ito ng iba’t ibang stakeholder na mula sa dalawang distrito ng lalawigan.