‘No face mask, no-entry’ – muling ipinatupad sa gov’t offices ng Angeles City

Muling ipinag-utos ng Angeles City government ang striktong pagpapatupad ng ‘No face mask, no-entry’ sa city hall at mga local government building at offices nito.

Ito ay bilang pagtugon sa banta ng COVID-19.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Sa isang memorandum, sinabi ni Mayor Carmelo Lazatin Jr. na ang ginawa nilang hakbang ay alinsunod sa rekomendasyon ng City Health Office matapos iulat ng Department of Health ang pagtaas ng bilang ng mga tinatamaan ng sakit sa bansa.

Read More:  Four face charges after illegal horse fighting bust in Davao Occidental

Kasabay nito, hinikayat rin ni Lazarin ang mga residente na ugaliin ang pagsusuot ng face masks sa mga pampublikong lugar at transportasyon.
#