2 lalaki, arestado dahil sa ilegal na pagbebenta ng karneng aso sa Nueva Ecija

Bistado sa Barangay San Roque, Nueva Ecija ang ilegal na pagbebenta ng karne ng aso.

Ito ay matapos madakip sa ikinasang entrapment operation ng mga tauhan ng CIDG Nueva Ecija PFU katuwang ang Animal Kingdom Foundation ang dalawang suspek na sangkot sa pagbebenta ng karne.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Isinagawa ang operasyon matapos na makakuha sila ng impormasyon tungkol sa nagaganap na bentahan ng karne ng aso sa lugar.

Read More:  Gov’t races to secure water, power ahead of ‘Super El Niño’

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Animal Welfare Act.
#