Bloodletting activity ng Brigada News FM-Sorsogon, matagumpay na natapos

SORSOGON CITY – Matagumpay na isinagawa ngayong araw, Abril 23 ang bloodletting activity ng Brigada News FM(BNFM) -Sorsogon na pinangunahan ng City Health Office Mobile Blood Donation Team (MBDT) at Dept of Health-Bicol.

Mahigit 60 donors mula sa mga kawani ng pamahalaan, mga mag-aaral, non-government organizations, at mga pribadong indibidwal ang nagpunta sa Sorsogon State University Main Campus sa Brgy Salog upang mag-donate at makatulong sa mga nangangailangan.

Nakalikom mula sa mga blood donors ang DOH ng 40 bags mula sa nagdonate.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ang Blood Letting Activity na ito ay bahagi ng ‘Dugo para sa Ka-Brigada’ ng Brigada Mass Media Corp (BMMC) na isinasagawa bawat taon.

Mula sa kaibuturan ng aming puso, MARAMING SALAMAT – Beta Sigma Fraternity Sorsogon Provincial Assembly, Sigma Beta Sorority SSU Chapter, Beta Sigma Black Secrets School of Martial Arts Sorsogon, Bicol Merchant Marine College Inc. (BMMCI), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Sorsogon Police Provincial Office (SPPO)-Health Services at mga pulis, 31st Infantry Battalion, Sorsogon Eagles Club at 25 pribadong indibidwal na nagWALK-IN at nagdonate para makatulong sa kapwa.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Taos puso rin ang aming pasasalamat sa mga walang sawang sumusuporta sa aming aktibidad – Peter Paul Phils. Corp., 1st District Congressional Candidate Ms Dette Escudero, City Vice-Mayor Eric Dioneda, East District Board Member Junjun Escudero at City Councilor Erwin Duana.