NNC nanawagan sa mga LGUs ng local action plans para sa nutrisyon

KORONADAL CITY – ISA sa mga hamon sa implementasyon ng Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) ang hindi pagbibigay ng prayoridad ng mga local government units sa mga programa sa nutrisyon. Ayon kay Assistant Secretary Dr. Azucena Dayanghirang ng National Nutrition Council o NNC na sa dinami-dami ng mga programang ipinatutupad ng mga LGU’s hindi na nabibigya ng pansin ang nutrition programs.

Read More:  CPSU’s innovation drive earns place among world’s top universities

May mga LGUs din aniya na maliit lamang ang inilalaang pondo at walang konkretong plano kung paano malalabanan ang malnutrisyon. Dahil dito, sentro ng selebrasyon ng Nutrisyon Month ngayong taon ang PPAN 2023-2028 kung saan hinihikayat ni Dyanghirang ang mga local chief executives mula sa barangay hanggang sa probinsya, at iba pang mga partners na bumuo at magpatupad ng local nutrition action plans upang mapabuti ang nutrition ng mga kabataan at masugpo ang stunting o pagkabansot.

Read More:  Negrense youth defies challenges, finishes among PMA’s finest

Nakapaloob sa PPAN ang intervention sa first 1000 days kung saan dapat maabot ang 90% ng target na mga pregnant women at mga batang may edad 0-23 months old.

Ang Nutrition Month celebration ay may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa Nutrisyong Sapat Para sa Lahat!”