Narekober ng 4th Infantry Batallion ang mga kagamitang pampasabog matapos makasagupa ang dalawang grupo ng mga umano’y New People’s Army sa Oriental, Mindoro.
Tumagal ang nasabing sagupaan ng sampung minuto at wala namang napaulat na nasaktan sa grupo ng mga militar.
Nakumpiska mula sa mga terorista ang M16 weapon, three rounds ng 40mm 5.56mm at 7.62mm ammunition, at mga dukomento patungkol sa kilusan.
Samantala, patuloy namang inaalam ng mga awtoridad kung mayroong nasaktan at namatay sa grupo ng mga NPA.