Patay ang isang lalaki matapos malunod sa resort sa Mabini, Batangas.

Patay ang isang lalaki matapos malunod sa isang resort sa Barangay Anilao Proper, Mabini, Batangas.

Kinilala ang biktima na si alyas John, tatlumpu’t dalawang taong gulang, residente ng Tanauan City.

Sa imbestigasyon ng Mabini Municipal Police Station at sa salyasay ng kanyang kapatid, bago mangyari ang insidente, masayang nag-iinuman ang biktima kasama ang kanyang mga kaibigan.

Napagkasunduan nila na lumangoy sa nasabing resort hanggang sa nalunod na ang biktima alas-12:00 ng hating gabi. Matapos malamang nalunod ang biktima, agad siyang dinala sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas, ngunit kaagad ding binawian ng buhay