NNC Bicol, magsasagawa ng iba’t ibang mga aktibidad sa pagdiriwang ng Nutrition Month ngayong Hulyo

LEGAZPI CITY – Inaasahang magsasagawa ang National Nutrition Council (NNC) Bicol ng mga aktibdad kaugnay ng pagdiriwang ng Nutrition month ngayong Hulyo.

Ayon kay Arlene Reario, Regional Director ng nabanggit na ahensya, ilan na rito ang nutria quiz, essay making, jingle contest at iba pa.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Aniya, layunin nitong mapalawak ang kaalaman ng publiko patungkol sa tamang nutrisyon.

Dagdag pa niya, ang kanilang tema ay “Ang healthy diet, gawing affordable for all” na nakatutok sa batang bansot, malnourished, mga buntis at ang mga nagpapadedeng ina.

Read More:  CCTV captures computer shop robbery in Talisay City

Sa ngayon, hinihikayat ng ahensya publiko na magtanim ng prutas at gulay upang myaroong sapat na mapagkukunan ng mga masusustansyang makakain sa pang-araw araw.