NIA personnel ng Camarines Norte nakiisa sa nationwide tree plantimg activity sa Founding anniversary celebration ng ahensiya

CAMARINES NORTE- Nakiisa ang mga personnel ng National Irrigation Administration (NIA) sa lalawigan ng Camarines Norte sa nationwide tree planting activity sa ilalim National Greening Program na may temang “Trees Water Life 2022.”

Bahagi ito ng aktibidad para sa Founding Anniversary celebration ng ahensiya na ginawa nitong Miyerkules.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Pinangunahan ni NIA Camarines Norte Acting IMO Manager Engr. Carol Ranola ang pagtatanin ng iba’t- ibang klase ng puno.

Ayon sa IMO Camarines Norte nasa 200 Bitaog at 80 Narra seedlings gayundin ang 50 santol ang itinanim sa apat na planting sites sa lalawigan.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ito ay sa Alawihao Dam at Bibirao Intake, Daet, Talisay Dam, Brgy. Sta. Cruz, Talisay at Matogdon Dam, Brgy. Bautista, Labo.

Ang naturang aktibidad umano ay nagsisilbing patunay sa commitment ng ahensiya sa pagtulong na mapangalagaan ang mga watershed para sa tinatawag na sustainable irrigation development.