NIA magpapalabas ng tubig sa Alawihao Dam ngayong araw, mga nasa mababang lugar inalerto

CAMARINES NORTE – Inalerto ng National Irrigation Administration (NIA) ang mga nasa mababang lugar ng Daet at bahagi ng Mercedes gayundin ang mga magsasaka na siniserbisyuhan ng Alawihao Dam.

Batay sa advisory ng Irrigation Management Office sa pamamagitan ni Public Information Officer Mar Villamonte,  magpapalabas ng tubig  ngayong araw ng Miyerkules  October 19, ang NIA  upang  bigyang daan ang pagsasaayos ng mga nasirang bahagi ng istruktura ng Bibirao Intake at maalis ang siltation ng Alawihao Dam.

Read More:  2 carnapped vehicles from NCR recovered in Davao City

Sa mensahe sa Brigada News FM Daet sinabi ni Villamonte na kabilang sa mga itinuturing na mababang lugar ang bahagi ng Lag On at San Isidro sa Daet, bahagi ng Del Rosario at Tagongtong sa bayan naman ng Mercedes.

Ani ni Villamonte ang naka- impound lang na tubig ang ipapalabas pero hindi nito masabi kung gaano karaming tubig.

Tinatayang nasa tatlong oras lang ay drained na ang dam.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Ang Alawihao dam ang pinaka major dam na nagsusuplay ng tubig sa mga lupang pansakahan sa probinsiya na nakakarating hanggang sa tail- end portion ng irrigation canal tulad ng Napilihan sa bayan ng Vinzons, Mampili sa Basud, Mercedes Area, San Nicolas, San Francisco, Sta Elena at San Jose sa bayan naman ng Talisay.

Nakatakdang ibalik ang serbisyo at pagsasara ng sluce gate ng Alawihao Dam matapos makumpuni at maisaayos ang nasabing mga istruktura.