Pinuna ni Sen. Raffy Tulfo ang isang opisyal ng Department of Transportation (DOTr) habang isinasagawa ang presentation ng budget proposal ng ahensya.
Sa gitna ng pagpepresenta ni DOTr Secretary Jaime Bautista ng naturang pondo, na-call out ni Tulfo si Usec. Reinier Paul Yebra.
Ani Tulfo, kanina pang ngumingiti-ngiti si Yebra.
Pangisi-ngisi umano ito; tumatawa kay Bautista; at nakikipagbulungan.
Hindi aniya dapat gawing ‘laughing matter’ hearing, at maaari niya itong ipa-cite in contempt.
Nagpaliwanag naman si Yebra, at sinabing hindi siya ngumingiti.
‘There something wrong’ lang daw kanyang ngipin, at kakaopera lang nito.
Sa huli, hiniling ng senador na seryosohin ang pagdinig.