NGCP, pinaghahandaan na ang epekto ng bagyong Enteng

Nakapaghanda na ang National Grid Corporation of the Philippines sa posibleng epekto ng bagyong Enteng sa kanilang transmission operations facilities sa buong bansa.

Ayon sa NGCP, nagpatupad na ng mga kani-kanilang paghahanda at precautionary measure, ang kanilang mga power system operator at transmission service provider.

Read More:  VP Sara defense awaits senate ruling on subpoena request

Ito ay upang mabawasan ang posibleng epekto ng bagyong Enteng sa kanilang mga pasilidad.

Read More:  Ateneo holds 40th-day memorial mass for Baterbonia and Adili

Sinabi ng NGCP, naka-sentro na ang kanilang communication equipment, hardwood materials and supplies  na kakailanganin sa pagsasaayos sa mga posibleng masirang pasilidad. Gayundin ang komposisyon ng mga line cross sa mga strategic area upang mabilis na makapagresponde sa kanilang mga isasagawang reparation work.