Tuluyan nang lilisanin ni legendary quarterback Tom Brady ang National Football League (NFL) matapos ang 23-taon.
Sa isang emosyunal na video message sinabi ni Brady na sa pagkakataong ito ‘ for good’ na umano ang kanyang pagreretiro.
Nabatid kasi na noong nakaraang taon ay nag-anunsiyo na rin ito ng kanyang retirement subalit matapos ang ilang buwan ay bigla itong binawi at muling naglaro para sa Tampa Bay Buccaneers.
Si Brady ay tinaguriang ‘the greatest of all time’ sa larangan ng american football matapos masungkit ang pitong Superbowl titles at basagin ang iba’t-ibang record sa NFL.
Ayon sa report mayroon umanong offer ang isang TV network para maging sports analyts ito ng NFL.
