NFA – tiniyak na sapat ang supply ng bigas ngayong tag-ulan

Naniniwala ang National Food Authority (NFA) na sapat ang buffer stock ng bigas sa bansa sa gitna ng tag-ulan.

Ayon kay NFA Admin Larry Lacson, mayroon silang 136,000 metric tons o 136M kilos na milled rice.

Read More:  Romualdez camp denies role in Guteza recantation

Binigyang-diin nito na hindi naman sinasalanta ng bagyo ang buong Pilipinas kaya sasapat ang naturang stocks ng bigas.

Read More:  88 areas in the country placed under State of Calamity due to typhoons and Habagat

Sa huli, sinabi ni Lacson na malapit na nilang makamit ang target na 3.3M sako ng bigas sa unang quarter ng taon.