New Zealand, babahagian ang Ukraine ng non-lethal military assistance

Magbibigay ang New Zealand ng karagdagang 5-million New Zealand Dollars sa Ukraine para magsilbi bilang non-lethal military assistance kabilang na ang ilang surplus equipment.

Sinabi ni Prime Minister Jacinda Ardern na mapupunta ang pera sa NATO Trust Fund na nagbibigay ng langis, rations, communication at equipment at first aid kits para suportahan ang pakikipaglaban ng Ukraine sa Russian troops na umatake noong February 24.

Ayon kay Ardern, kinokonsidera nila ang mga pangyayari sa Ukraine bilang “massive disruption” sa international rules-based order.

Iginiit ng Prime Minister na naapektuhan na nito ang buong mundo na dahilan kung bakit kinakailangan na ang extraordinary measures.

Samantala, magbabahagi naman ang New Zealand Defence Force ng tactical equipment tulad ng body armor, helmets at vests.