Neri Naig, isinilang ang kaniyang ikalawang anak

Isinilang na ng dating aktres na si Neri Naig ang kaniyang ikalawang anak na isang baby boy.

Sa Instagram post ng asawa ni Neri na si Parokya ni Edgar frontman Chito Miranda ay makikita ang litrato ni Neri na kasama ang kanilang bagong silang na sanggol.

Read More:  6 Southeast Asian Countries withdraw from Miss Universe 2026

Mababasa sa caption nito, “Meet Manuel Alfonso Miranda aka Cash.”

Read More:  Robi Domingo confirms reconciliation with John Lloyd Cruz

Matatandaan na inanunsyo ni Naig ang kaniyang ikalawang beses na pagbubuntis kasabay ng Mother’s Day noong Mayo.

Mababatid na isinilang nina Naig at Miranda ang kanilang panganay  na si Alfonso III noong November 2016.