Food packs para sa mga apektado ng GCQ ipinagkaloob ng DSWD

CAMARINES NORTE- Aabot sa 200 economically displaced individuals sa lalawigan ng Camarines Norte na apektado ng General Community Quarantine (GCQ) ang pinagkalooban ng family food packs  ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ginawa ang pamamahagi sa isinagawang Provincial Launching ng Duterte Legacy, Barangayanihan Caravan kamakailan.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Pagkatapos ng Provincial Launching ay ginagawa naman ito ngayon sa mga munisipyo at hanggang sa mga barangay.

Matatandaang isinailalim sa GCQ ang probinsiya epektibo noong October 1 na tatagal hanggang sa katapusan nitong buwan.

Dahil dito, apektado ang kabuhayan ng ilan lalo’t may mga establisyimentong hindi pinapayagang mag operate ngayon.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Sa ilalim ng GCQ ipinagbabawal ang pag operate ng mga entertainment venue na may live performances, recreational venues at iba pa.

Ang pagsasailalim sa lalawigan sa naturang quarantine restrictions ng Inter Agency Task Force ay dahil sa pagtuloy na pagtaas ng mga naitatalang kaso ng COVID- 19.