Hearing para sa PDP-Laban factions, magsisimula sa susunod na linggo – Abas

Ibinunyag ni Commission on Elections chairman Sheriff Abas na posibleng masimulan na sa susunod na linggo ang hearing sa pagitan ng dalawang paksyon ng PDP-Laban.

Sinabi ni Abas sa isang virtual press conference na hinihintay pa nila ang sagot ng Pimentel-Pacquiao wing sa reklamo ng Cusi wing para masimulan na ang hearing.

Read More:  Transport groups seek ₱2 fare increase, warn of nationwide strike

Dedesisyunan nila anya sa gagawing pagdinig kung alin sa dalawang paksyon ang ituturing na lehitimong PDP-Laban.

Read More:  Rescued Philippine Eagle Sawaga-Dalwangan dies during rehabilitation

Mababatid na naghain ang paksyon ni Energy Secretary Alfonso Cusi ng petisyon sa poll body para ideklara bilang illegal representatives ng partido sina Senators Manny Pacquiao at Aquilino Pimentel III.