Negosyante, sugatan matapos pagtatagain ng isang 52 anyos na lalaki sa Daraga, Albay

Nagpapagaling pa sa ospital ang isang negosyante matapos itong pagtatagain sa Purok 5, Brgy. Gabawan, Daraga, Albay.

Kinilala ang biktima na si Cezar Xavier Bonafe Arjona, 33 anyos, habang kinilala ang suspek na si Ricardo Ceroriales Padilla, 52 anyos; ang mga ito ay parehong residente ng nasabing barangay.

Read More:  Police captain killed in shooting inside Capiz KTV bar

Ayon sa report, pumasok ang suspek sa loob ng tindahan habang nag-aayos ng feeds ang biktima.

Biglang tinaga ng suspek ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan nito gamit ang bladed na armas sa hindi malamang dahilan.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Mabilis na tumakas ang suspek sa hindi matukoy na direksyon matapos ang insidente habang bitbit nito ang armas na ginamit sa pananaga.

Dinala ang biktima sa Ago Medical Hospital, Legazpi City para sa agarang paggamot.

Samantala, nagpapatuloy ang hot pursuit operation para sa posibleng pagdakip sa suspek.