Lolo sugatan nang maputukan ng kwitis sa Naga City

NAGA CITY- Sugatan  ang isang 64- anyos na lolo matapos na maputukan ng Kwitis sa Naga City. Nangyari ito sa Barangay San Isidro bandang alas-10:32 ng gabi nitong Disyembre 31. Sa ulat ng PNP pumutok ang Kwitis habang sinisindihan ng biktima, kaagad na dinala sa Our Lady of Lourdes ang lolo para lapatan ng lunas sa kanang kamay.
Read More:  Grade 9 student found with suspected ₱204K shabu in Bacolod school
Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan
Sa Fire Cracker Related Injury Report ng Department of Health Bicol hindi pa ito nakasama kahapon. Sa kasalukuyan iyon ang unang record ng NCPO.