Negatibong pananaw ng publiko sa salitang “lockdown” dapat nang baguhin – DILG-Sorsogon

SORSOGON CITY – Hinimok ng Department of Interior and Local Government (DILG) Sorsogon ang publiko na baguhin na ang negatibong interpretasyon sa salitang ‘lockdown.’

Sa panayam ng Brigada News FM sa pinuno ng DILG na si Julius Rodel Cal Ortiz, sinabi nito na nakadadagdag lamang ito sa suliranin ng pamahalaan lalo na sa barangay level kung saan sa halip na sumunod na lamang ang mga mamamayan, ay ginagawa na itong dahilan upang insultuhin at sisihin ang pamahalaan.

Sa halip aniya, dapat gawin itong positibo, gaya na lamang ng sapat na oras sa pamilya, iwas sa pagkahawa sa Covid-19 at pagtutok sa mga gawing bahay lalo na sa pag aaral ng mga anak.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Dagdag pa ng opisyal, alam naman ng lahat na mayroon mga exemption sa salitang lockdown dahil makakalabas naman ng bahay ang kahit na sino basta’t essential ang lakad ng mga ito.

Maalalang nakaramdam muli ng stress, frustration at galit ang publiko matapos na ipatupad ang weekend lockdown sa lungsod kung saan muling umani ng batikos ang LGU mula dito.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Kung babalikan kasi, kahit ang World Health Organization (WHO) ay ipinatitigil ang paggamit ng ‘lockdown’ bilang pangunahing ‘control method’ sa pagkalat ng Covid-19.

Iginiit ng organisasyon na ang tanging panahon na maaaring ipatupad ang lockdown ay upang makakuha ng sapat na oras para sa ‘reorganization’, regroup, rebalance ng resources at protektahan ang mga health workers kung pagod na ang mga ito.

Ipinunto pa ng WHO na isa sa negatibong epekto ng lockdown ay ang pagbagsak ng turismo at matinding paghihirap ng marami na nagdudulot ng ibayong gutom.

Ang Pilipinas ay ikinukunsiderang may pinakamahabang lockdown sa buong mundo.