NEDA, tinutugunan na kakulangan ng suplay ng asukal

Inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) na naghahanda na sila ng mga bagong istratehiya kung paano matutugunan ang patuloy na pagtaas ng presyo ng asukal sa bansa at ang pagsadsad sa suplay nito.

Sa isang economic forum, sinabi ni Socioeconomic Planning Secretary and NEDA chief Arsenio Balisacan na may mga inihahanda na silang plano para ma-address ang nasabing isyu.

Read More:  Marcos says Philippines won’t allow territory used as launching pad for attacks on Taiwan

Sinegundahan naman niya ang nakaraang pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos na may ginagawa ang gobyernong mga hakbang upang matugunan ang lumalalang problema sa sugar industry.

Ipinunto rin ng kalihim na kailangan malaman at makita ang tinatawag na production potential sa industriya ng pag-aasukal at kung ito ba ay akma sa demand.

Read More:  Lawmaker urges House action on school safety bill after Zamboanga shooting

Mababatid na sa kasalukuyan ay ilang malalaking kompanya na ang partikular ang isang kompanya ng softdrinks ang nag-anunsyo na kulang na ang suplay nila ng refined sugar habang naglalaro naman sa P100 hanggang P105 ang presyo ng asukal sa mga pamilihan.
#