Pormal nang hiniling ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa mababang kapulungan na magkaroon ng inquiry o imbestigahan ang kontrobersiya sa Sugar Order 4 o ang hindi natuloy na importasyon ng 300,000 metric tons ng asukal.
Sa kanyang House Resolution 259, inaatasan ang House Committee on Good Government and Public Accountability at ang House Committee on Agriculture and Food na magsagawa ng joint inquiry sa sinasabing iligal na SO4.
Ayon sa mambabatas, kailangan na magkaroon ng agaran at malalimang imbestigasyon hinggil dito nang sa gayon ay malaman kung may dapat ba talagang managot sa mga pumirma sa SO4.
Dapat aniyang malaman kung may naganap bang sabwatan sa pagitan ng mga nagbitiw na sa pwestong opisyal ng Department of Agriculture at Sugar Regulatory Administration.
Umapela naman si Libanan sa kasalukuyang administrasyon na dapat buo at mag-isyu ng malinaw na patakaran ukol sa importasyon ng mga produktong agrikultural lalo na sa panahon ng harvest season.
Mababatid na kabilang sila resigned DA Undersecretary Leocadio Sebastian, resigned SRA Administrator Herminigildo Serafica at resigned SRA board member Atty. Ronald Beltran sa mga lumagda sa iligal na resolusyon.
#