Aprubado na House Committee on Ways and Means ang panukalang batas na naglalayong mas mapabilis pa ang proseso sa pagbabayad ng buwis ng mga Pilipino.
Sa naturang batas na inihain kamakailan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, planong payagan ang mga nagbabayad ng buwis na iayos ang kanilang mga obligasyon at ihain ang kanilang mga tax return sa anumang awtorisadong bangko o opisina.
Hindi naman ito ang unang pagkakataon na naghain ng ganitong klaseng panukalang batas sa Kamara.
Matatandaan na nauna nang nagpasa ng kaparehong panukala si Batangas 6th District Rep. Ralph Recto ngunit hindi ito inaprubahan ng komite sa 18th Congress.
Ngunit pagbibigay-diin ni Salceda, magkaiba ang dalawa dahil layon ng kanyang batas na magtayo ng “Taxpayer’s Advocate Office” para protektahan ang karapatan ng mga Pilipinong nagbabayad ng buwis.
#