‘Di umano’y regrouping ng mga Maute at IS inspired groups, nais paimbestigahan ng ilang Senador

Kinalampag ni Senador Bato dela Rosa ang AFP at PNP para siguruhing hindi na mauulit pa ang Marawi siege, at ang muling panggugulo ng mga IS-inspired groups sa bansa.

Ginawa ni dela Rosa ang apela matapos ang ‘di umano’y regrouping ng Maute group at ang muli nilang pagpapalakas ng puwersa.

Read More:  Sen. Jinggoy Estrada surrenders to CIDG

Ayon sa Senador, dapat ay maging proactive ang ating mga law enforcement agencies para maagapan ang posibleng resurgence ng mga teroristang grupo.

Hindi raw kasi dapat isinasantabi ng mga otoridad ang anggulong nagle-lay low lang ang grupo, at naghihintay lang ng pagkakataon para umatake.

Kung maaalala, nito lamang nakaraang linggo nang mapatay sa operasyon ang sinasabing emir ng IS na lider ng Dawlah Islamiyah-Maute group sa Marawi City.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Isa rin sa mga pinangangambahan ng mga otoridad ay ang pagpapapasok ng mga Afghan refugees sa bansa na posible raw malusutan ng mga sleeper terrorists, ‘o ‘yung mga undercover na terorista.