Tiniyak ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kay PNP Chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na fully-prepared na ang kanilang hanay para sa Traslacion 2024.
Ayon kay Gen. Acorda, base sa ulat na nakarating sa kanyang tanggapan, nagsagawa na ng tabletop ang NCRPO upang agad na mapaghandaan ang lahat ng scenario na maaring mangyari sa January 9.
Kaugnay nito, hindi aniya inaalis ang posibilidad na may mga masasaktan kaya’t maglalatag din aniya ng mga medical station sa bawat segment na dadaanan ng andas.
Sinabi ng PNP Chief na masaya sya sa naging preparasyon ng NCRPO dahil bukod sa tabletop exercise, nagkaroon din sila ng actual on the ground na pagsasanay.